Ano ba ang wikang Filipino? Bakit kailangan natin 'tong ipaglaban? Ano ba ang Pilipino? Paano nakilala ang mga Pilipino? Saan nga ba nakatira ang mga Pilipino? Ano nga ba ang kahalagahan ng wikang Filipino?
Simulan natin sa pagpapakilala ng mga Pilipino. Ang mga Pilipino ay nakatira sa bansa na kung tawagin ay Pilipinas. Ang Pilipinas ay isang bansa sa kontinenteng Asya. Ang Pilipinas ay nasakop din ng iba't ibang bansa sa buong mundo. Nang dahil sa mga bayani na ating tinatawag sa kasalukuyang panahon ay nakamit natin ang ating kalayaan. Pero ano ba ang koneksyon nito sa ating wikang Filipino? Noong nakamit natin ang ating kalayaan ay mayroong mga salita na ating hiniram lamang sa mga mananakop dahil ito'y ating natutunan sa ilalim ng kanilang pamamalakad noong sila pa ang may hawak sa ating bansa. Ngunit nais nating magkaroon ng wika na tanging tayo lang na magkababayan ang magkakaintindihan upang kung tayo man ay muling sakupin may paraan tayo kung papaano tayo magbibigay o paano natin maikakalat ang mensahe upang makaiwas tayo sa panganib na dala ng mga mananakop. Ang ating wikang Filipino ay itinatag ni Pangulong Manuel L. Quezon noong 1937. Ang layunin ni Manuel L. Quezon sa pagpapatupad nito ay ang malaman ang lahat ng katutubong wika na ginagamit at nauunawan ng lahat nga mga Pilipino upang magkaroon ng isang wikang pambansa ang Pilipinas. Sa pahayag na ito ni Manuel L. Quezon, ay dapat na nating ipaglaban ang wikang Filipino dahil kung sakali mang masakop muli ang Pilipinas may iisang wika na gagabay sa atin patungo sa kalayaan sapagkat tayo'y magkakaisa. Malaki ang naging papel ng ating sariling wika sa ating bansa dahil sa wikang ito ay nakikilala ang mga Pilipino. Kaya naman dapat nating mahalin, payabungin at pahalagahan ang ating sariling wika, ang wikang Filipino.